Ang Telepono Sa DQ
Ang telepono sa DQ ay ngri-ring lang sa pagtawag ng mga taong malapit sakin sa buhay college. Kadalasan ay si Elaine aka Doreena,Katrina aka Victoria at Anna aka Margarita ang nagiging dahilan kaya nagagamit ko ang telepono sa DQ.Pero simula nung first week of August 2008,mukhang nagbago na ang dahilan kaya ngri-ring ang telepono sa DQ. Hindi na madalas ang pag-uusap namin ng tres marias.
Wala kahit isa sa mga malalapit na kaibigan ko noong high school and nakakausap ko sa telepono ng DQ. Pero isang tao and pumilit na baguhin yun. Siya yung tao na sobra kong kinaiinisan nung high school. Hindi naman talaga kami close ng taong to kung tutuusin. Parang ang labas eh magkakilala lang kami ganun lang. Matagal tagal na rin kaming hindi naguusap ng taong to. Simula to nung umalis ako sa Makati at naiwan naman siya dun. Nagkataon kasi na naging magkalapit ang pinapasukan namin o baka sinadya niyang piliin yung malapit sakin.
Siguro dahil sa Makati days kaya nasasabi niya na close kami. Pagbalik ko dito ng January,hindi ko na siya kinakausap nun.Tutal anu naman ba ang bago dun eh hindi ko naman talaga siya masyadong tinetxt o anu pa man.
Pagdating ng August,me ngtxt sakin. Si ading Jackie na younger sister niya
jackie: Manang kumusta?asan ka na daw?
jov:andito pa rin sa don quijote.
jackie: ania kano ti landline mo manang?
jov: bakit?7120600
jackie: tumawag kano ni manong manang.
At dito nagsimula mag-iba ang silbi ng telepono sa DQ. Sa ngayon,wala ng ibang tumatawag sa akin kundi siya. Hindi ko rin alam kung anu ang motibo niya o dahilan kung bakit siya tumatawag. Pero oo nga naman hindi rin naman kasi ako nagtatanong eh.
Kaya ang telepono sa DQ ang naging instrumento para siguro paglapitin kami.Dahil kaya ako na mismo sana ang lalayo sa paningin niya. Siguro,hindi ko alam.
Telepono sa DQ,salamat.