Ang Kunwa – kunwariang Bridal Shower
Bridal shower ang tawag sa party na ginagawa para sa isang bride to be. Pero sa kasong to wala naman talaga ikakasal. Nangyari ang kalokohang ito nung Sabado, October 18, 2008 sa unit ni Kennedy sa me Cristobal St.
Nung Friday kasi ng gabi eh nagkaroon ng inuman sa kanila dahil gra-graduate na si Fabio sa college. Kaya ang butihin at kapita-pitagan niyang bestfriend na si Kennedy ay nag-throw ng simple party para sa kaniya. Andun si Jacky ng time na yun at nakita niya ang kakapalan ng tatlo na magtanggal tanggal ng mga t-shirt nila. In short, hindi man lang sila nahiya kay Jacky na andun din. Siguro nakalimot na ang mga loko sa sobrang kalasingan.
Mabalik tayo sa Sabado,nagpunta kami dun nila Jacky, Salie, at Ivy parang karugtong lang ito nun Friday. Dahil sa puro sila lalake nun at nag-iisa lang si Jacky kaya ngayon mga girls naman daw. Kumain, tumawa,internet at dvd marathon lang ang pinaggagagawa namin dun.
Natuon ang pansin naming sa dumble niya. Totoo pala ang pinag-mamayabang niya sa akin na nag-dudumble nga siya. Eto ang mga sumunod na nangyari.
Jov: eh mukhang wala naman nagbago eh.
Kennedy: tignan mo ( sabay pakita ng biceps na wala naman talagang muscle ). Gusto mo bumitin ka pa eh.
(Bigla ko nasabi yung ginawa nilang kalokohan nung Friday.)
Jov: Totoo ba na nghubad hubad daw kayo kagabi?Hindi na kayo nahiya kay Jacky.
Kennedy: Gusto mo ata makita eh( parang ganito yun sinabi niya)
Jov: Hindi mo naman kaya eh kasi wala ka naman talaga mapapakita.
Kennedy: Hinahamon mo ba ako jov?! Cge!Pero dapat me isa din sa inyo magtanggal ng t-shirt.( Tawanan lang kaming lahat)
Jacky: Cge,labas muna kaming tatlo. Bridal shower to.
( Iniwan kami nun tatlo at lumabas nga talaga sila. Ayun nadyahe tuloy si mokong )
(Pagbalik nung tatlo,me hirit pa siya. )
Kennedy: Wag na lang yung taas, yung baba na lang yun naman ang asset ko eh.
(Akalain mo marunong na siya ng mga ganung kalokohang hirit ah!)
Kennedy: Gusto mo lang ata makita jov eh. Cge pwede mong hawakan.
( Masyado naman siyang feeling ah. Anu kala niya ba kagandahan ang katawan niya para gustuhin ko makita .)
At eto ang kunwari-kunwariang bridal shower na nangyari sa araw na yun. Hindi dahil sa ikakasal na ako. Panu naman ikakasal ang walang boyfriend. At kung magkakaroon man ng bridal shower ang kahit sinuman sa amin,siguro hindi naman si Kennedy ang kukunin nila. Hindi naman sa iniismol ko si Kennedy,siyempre alam naman lahat halos naming mgkaklase kung anu bang meron di ba. Natatawa lang ako sa mga hirit niya. Ngayon lang kasi nangyari ang ganun. Yung nagkakaroon na kami ng bonding time. Pero the thing is, a dare is still a dare and he lost.