deathrow
ika nga ng kapita-pitagang debater professor na si Sir Joeven... "at the end of the day, kailangan alam natin kung ano ba ang tunay na happiness na naaachieve natin sa lahat ng ating mga natamo o ginagawa." { this message was crop courtesy of blurred crystals.}
kakagraduate ko lang at di pa talaga naaalis sa sistema ko ang buhay kolehiyala.sana nag-aaral na lang ako,wlang katapusang pag-aaral.pag nag-aaral ka wla kang ibang problema, basta ipasa mo lahat ng subjects mo me allowance ka pa araw araw at pwede ka gumimik kahit kelan.sana ganun na lang pero di pwede eh.kelangan natin lahat mag-grow.
pagkatapos ng mayo,isang buwan na ang nakakalipas mula nun april na grumaduate ako.pagdating sa sikap at tiyaga,wla na cguro makakatalo sakin.bakit?april pa lang nag-aapply na ako at kung san san na ako nag-apply.pero sa sawing palad wla ako nakuha sa mga inapplayan ko nun april.ngayong mayo naman dapat me trabaho na ako.masayang masaya pa naman ako nun natanggap ako.inapplyan ko xa dahil admin asst ang nakalagay.so kala ko parang secretary.nun nagsimula ako iba ang nadatnan ko.para rin akong call center agent.nakaupo lang buong maghapon at nagtatawag.filing ko mamamatay na ako sa sobrang pagkaboring ng ginagawa ko.parang mccraan na ako.mag-iisang linggo pa lang ako pero di na ko nakatiis at umalis na ako.sabi ni kuya wag daw muna ako umalis hangat wla ako lilipatan.pero mahirap din maghanap habang andun pa ko.
ayoko kc ung tipo ng trabaho na nakaupo ka lang.di gumagalaw ang mga buto buto mo.di gumagalaw ang utak mo.pag ganun kc di ako matututo eh parang nakakulong lang ako sa iisang mundo,mundo ng pagtatawag.pero sa hirap ng buhay kung wla pa din ako makuha na trabaho nitong katapusan ng mayo,wla ako choice kundi magkol center muna.di ko naman sinasara ang pinto ko dito eh.ang punto ko lang ayoko magsettle agad sa kol center dahil eto ang madali,mabilis at malaki ang bayad.willing naman ako mag-umpisa sa mababang sweldo eh.kung gusto mo matuto kelangan mo mag-umpisa sa mababa.ako kc kung meron pa namang iba jan bakit ako magkokol center.ayoko sana pero kung wla pa din talaga,xempre last choice na.
filing ko kaming mga bagong graduates ay nasa deathrow.para kaming mga convicts na pag di ka nakahanap ng trabaho patay ka na.di ba ung mga convicts na asa deathrow alam na nila kung kelan ang huling araw nila sa mundo.kami naman siguro mga 3 0 4 buwan mula nun grumaduate ka ang deadline.pag lumamapas ka dun bitay ka na.
pero ako mas malala,parang katapusan na ng buhay ko pag di pa ko nagkatrabaho sa huling linggo ng mayo.filing ko ako ung pinakamabigat ang kaso sa lahat ng mga convicts na asa deathrow at ito ay sa kadahilanang cum laude pa ako.mabigat ang tungkulin na nakaatang sa akin at mas nararapat lamang na me mapatunayan ako.gusto ko sana sa june eh makapagsimula na ako.sa tingin ko naman di ako nagkukulang sa sipag at tiyaga at sa dasal.tiwala naman ako sa Diyos na di nia ako pababayaan dahil all this time di nia ako iniwan.
kea ako umalis dun sa dapat ay una kong trabaho dahil totoo ang sinabi ni kapita-pitagang Sir Joeven. At the end of the day,iisipin mo at kailangan alam mo kung ano ba ang kaligayahan na natatamo mo sa ginagawa mo.kaya cguro ayaw kong mag-kol center hanggat me iba pa dahil iniisip ko at the end of every day,anu nga ba ang kasiyahan na nakukha ko sa ginagawa ko.di ko rin naman masisi ang iba dahil praktikal lang sila,maaaring breadwinner kc cla.desisyon natin ang buhay natin kea di ko rin masisisi ang iba dahil kania kaniang choice tau.
kung tutuusin lahat ng tao ay nasa deathrow.maski mayaman ka man,mahirap o average man.dahil lahat tau ay may mga deadline.lahat tau ay may hinahabol at gustong gawin sa buhay.
nahihirapan na din ako at halos nawawalan na ako ng pag-asa pero di pa pwede sumuko dahil nagsisimula pa lang ako. at sinisiguro ko na di ako dadatnan ng katapusan.