Friday, April 27, 2007

April 27,2007
Friday

STRESS AT BADTRIP

Ang hirap hirap maghanap ng work sobra,parang one in a million ang makakuha ng trabaho sa mundong ito.Tapos ang nakakainis pa ung akala mo pasok na tas hindi pa pala tapos ganun un mangyayari sayo sa training at sasabihan ka pa ng ganun. Nakakaloka. Tapos dagdagan mo pa ng mga taong di kanais nais makita sa pamamahay na tinitirhan mo.

Naisip ko lang ang swerte nung mga anak mayaman. Basta matapos lang sa pag-aaral kahit pasang awa pa yan ok lang,me naghihintay na sa kanila na trabaho at boss agad sila. Di ba?petiks lang!di nila kailangang dumaan sa hirap ng paghahanap,ng interview,meron agad at di lang basta meron sa mataas na position pa.Napakaswerte nila and yet ang dami pa ring mga anak mayaman na napapariwara despite being so blessed.

Pero alam naman ni God na pinaghihirapan ko naman ang lahat. Kaya sana ay biyayaan niya ako dahil kelangan ko talaga makakuha ng trabaho. Oo nga Cum Laude nga ako pero it doesn't make sense if I can't even prove it. Sinimulan ko na siya na maganda kaya dapat ipagtuloy ko din na maganda. Anong silbi ng pagiging Cum Laude ko kung di ko rin pala gagamitin.Ayoko na iparis ako ng mga tao sa ibang tao diyan. Dahil hindi natatapos ang buhay sa college,sa pagiging Cum Laude. Dahil ako me pangarap ako at me kahihiyan ako. Ayokong umasa sa ibang tao smantalang masyado na silang madaming nagawa sa akin kaya panahon na para ako naman ang magbalik nun.

Ayoko magaya sa isang tao na kuntento sa kung anong meron siya. Kuntento na basta me nakakain pero hindi naman niya pera. Me natutulugan pero hindi naman niya bahay. Me entertainment kabilaan pa internet,tv,playstation pero hindi nman sa kaniya.At higit sa lahat makapal ang mukhang maglaki and yet wla naman siya mapagmamalaki.Makapal ang mukhang manita eh wla naman siya inaakyat na pera sa bahay na to. Ang kapal na magreklamo eh maghapon,araw araw,taon taon sa buhay buhay niya na wala siyang ginagawa kundi magpakasaya.Hidi kaya siya nahihiya? Ah hindi na nga kasi sanay na siya sa kampanteng buhay. Hindi kaya siya nakokonsensiya?Hindi na rin kasi kung meron pa siya niyan di sana nun pa.

Basta ako patutunayan ko ang sarili ko pangako yan at hindi ako magiging kagaya niya.